unknown etiology
Tinamaan talaga ako sa kanya .. Ngayon ako naniniwala sa love at first sight . Di ko maexplain ang weird .. Di kasi sya yung tipo ng lalaking gusto ko .. Masyado syang oozy,formal, nerd, and so perfect basta ! Pero nakuha agad nya yung atensyon ko . Di ko naman masabi na dahil sa itsura nya, oo may itsura sya! gwapo sya pero di sapat para pagtilian.. Basta alam ko gusto ko sya , pero di ko talaga alam kung bakit . 8months na yung nakaraan simula nung una ko syang makita . at sa 8months na yun, 6days ko lang sya nakasama sa ibat ibang araw at take note may kasama pa kaming 300 persons, eto mas nakakawindang, sa 6days na yun nagkaron lang ako ng 10mins. para makausap sya .. haha . nakakatawa no ?? Ok na sakin yun . Atleast nakausap ko sya . Nagholding hands na kami, pero siguradong hindi nya tanda yun .. haha . Pasimple ! Tinanung ko yung kunwaring beau’s line in my nails . ayun , nagbackground check ako sa kanya .. May mga nalaman ako na good and bad side .. Pero di yun naging dahilan para mawala yung feelings ko .. Kahit gano pa to kagago at kalasinggero o kababaero o kamanyak o kahit anong pa , di ganon kadali mawawala yung nararamdaman ko .. kung sa disease.. kapag unkown etiology malamang unknown din ang management. .. just treat the symptoms .. haha :) Bale nung nagrereview kami sya ang ginawa kong inspirasyon .. Dahil nga sa mukha kong tanga nagiimagine ako ng “pano kung magTOP ako? pano kung yayain nya ko ng date? magustuhan nya din ako ? yayain nya ko ng kasal ? o ng kung ano ano .” lol ! nakakatawa ! Ayun ang happy thoughts ko . Ang nagsisilbing gas sa utak ko kapag tamad na tamad ako mag-aral .. So ayos naman din, dahil dun medyo matataas ang nakukuha ko sa evaluation exams, may mga pagkakataon na nakakasama ako sa top .. nung huli parang medyo nawawalan na ko ng pag-asa .. Bukod sa di ko sya nakikita at nakakasama, wala pa kong contact sa kanya .. kaya sinubukan kong hingin yung no. nya sa RA namin .. ayaw nilang ibigay .. Nakakalugmok, nakakapanghina, nakakawalang gana .. Ilang araw din akong tinamad sa pagrereview .. Sabi ko sa sarili ko “tama na .. titigilan ko na yung kahibangan ko !” tapos isang araw , nagprisinta yung isa kong kaibigan na ibibigay nya daw sakin yung no. dahil kayang kaya nya kunin yun . haha :) AYOS ! tapos ayon . Biglang pumasok sa isip ko .. siguro nga it is God’s way of telling me na just have faith cause miracles happen each day .. (siguro may dahilan si God kung bakit nya pa hinayaan na mapasakin yun no. ni… at yun chance na yun, e di ko na sasayangin! ) nung makuha ko yung no. nya, wala naman akong maitext . Bigla akong nahiya ARTE ! haha . Naisip ko bigla yung tinuro samin ni sir jerome na kung gusto mong mapansin ka ng isang tao, kailangan mo syang sanayin na andyan ka lagi at subukan mong biglang mawala . hahanapin at hahanapin ka nya .. Ang ginawa ko sinubukan ko magtext sa kanya ng inspirational thoughts, same time each day within 30 days .. Effective naman . Ilang araw pa lang nagpapalitan na kami ng message. Dumating sa point na nagtawagan kami .. pero di ko natapos yung 30days .. :( hindi ko sya nasanay na lagi akong andito ..Kaya wala din .. haha .. Sabi nga ni nanay wag na daw akong umasa kasi masyado syang mataas at imposibleng maabot ko talaga .. sabi ko naman walang imposible sa taong pursigido .. Sa ngayon itinigil ko muna ang pagpaparamdam sa kanya .. Sabi ko sa sarili ko saka na lang pag may ipagmamalaki na ko sa kanya . Dahil sa ngayon masyado syang mataas at kahit isang bagay wala pa kong kayang patunayan sa kanya .. Hindi man yun basehan ng pagmamahal , iba pa din yung alam mo sa sarili mo na kaya ka nyang ipagmalaki sa ibang tao, na handa ka sakaling mahulog din sya sayo .. :) tengeneng peg-ebeg to ! haha ! ang buhay pagebeg namin .. sinisimulan ko pa lang .. :) haha ! 8months na ang nakakaraan, kung infatuation man to,dapat wala na to .. Ngayon ko lang ulit to naramdaman after kong mabaliw ng 7years sa isang taong itago na lang natin sa pangalang ian tayao na talaga namang imposibleng mapasakin . haha . Ngayon lang ako mabubuhay , ang bilis ng oras .. kaya dapat gawin ko na lahat ng gusto ko, lahat ng nararapat . lahat ng kaya ko .. Para sa huli wala akong pagsisishan . Alam ko namang pagdating ng araw pagtatawanan ko lang lahat ng kalokahan ko.