Read the Printed Word! Proudly Pinoy! mechanism of action

Dito nabuo ang group Barek .

Grabe ! tawa ko ng tawa nung makita ko tong picture na to ! dito ko nalasing ng sobra , yung tipong di ko na alam yung mga ginawa ko . Nadulas daw ako nyan sa may washing machine, todo yakap daw ako ke niel, hinalikan ko pa nga daw lahat sila sa pisngi, sobrang dami ko daw naisuka sa CR na halos subsob na ko  . putcha ! nakakahiya ! haha ! monday pa lang to ha ! nakarami agad kami .

Pm duty kami nito sa Lemery . habang gumagawa ng requirements may umiikot ng matador . Sinimulan namin ng 2liters . Pumunta din yung mga barkada namin, duty naman sa Lipa, siguro mga 1am na sila nakarating .  Nkakahiya sa mga kasama naming nagboboard sa taas, pati yung ulam nilang tinola napampulutan ng mga kabarkada namin .. haha ! Yun pala ! ibibigay din pala nila dapat samin, nahihiya lang daw sila . Doon nagsimulang maging kaibigan namin ang mga nursing ng BSU Nasugbu . 

Isang linggo din kaming ganito . Minsan 6am na natatapos, lalabas para kumain ng goto . tutulog saglit, gigising ng 11am para mag-ayos at papasok ng 2:45 . May mga pagkakataong kahit katapat na ng bording house namin yung hospital late pa din kami . haha !

Ayos din pala tong Matador ! May mabuting naiidulot din ! Panandaliang sakit ng ulo ang binibigay pag umaga , bagong kaibigan naman ang kapalit . :)


hit counter
hit counter
theme by heloteixeira